Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

BAKIT KAILANGANG MANALANGIN?
Ang pinakamahalagang kasangkapan sa pagiging magulang ay ang panalangin. Ito dapat ang una mong tugon kapag ikaw ay nagagalit, biguan, balisa, nalilito o hindi mo lang talaga alam ang iyong gagawin. Pero hindi ka ba nagtataka kung bakit? Kung alam na ng Diyos ang kailangan natin, bakit hindi nalang Niya ibigay ang mga bagay na iyon nang makapagpatuloy na tayo sa ating araw?
Malinaw na ang isang dahilan para sa pananalangin ay dahil ito ay inuutos; “Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.” Bukod pa rito, ito ay natatanging pagkakataon upang maisangguni ang mga isyu ng buhay kasama ang Pinagmumulan ng buhay. Ang panalangin ang nagpapaalala sa atin na kontrolado ng Diyos ang lahat at nakakatulong ito na mailagay sa tamang perspektibo ang bahagi natin bilang magulang. Kapag nananalangin tayo na maihanay ang kalooban natin sa kalooban Niya, makakakilos Siya sa ating puso upang mabigyan tayo ng mas malinaw na pag-unawa ng Kanyang kalooban. Ang pananalangin ay hindi lang isang gawaing teolohikal; ito ay isang pagkakataon na makausap nang direkta ang ating Ama na nasa langit. Dakila itong pribilehiyo at pagpapala!
Lubusin natin ang pagkakataon na makausap sa panalangin ang ating Ama.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com