Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PAGMAMAHAL NG ISANG AMA
Hindi ka ba namangha sa kung gaano kabilis at karubdob mong minahal ang iyong mga anak noong ipinanganak sila? Madalas sinasabi na ang pagiging magulang ang pinakabusilak at pinakamapagbigay na pagmamahal na maaaring ialay ng tao. Bagama't mahirap, batid ng bawat magulang na ang maayos na pagdidisiplina ay isa lamang tanda ng pagmamahal na ito. Ipinapatupad natin ang mga konsikwensya harapin man ang galit ng ating mga anak dahil alam natin na ang panandaliang kapayapaan ay hindi kasinghalaga ng pagkakaroon ng kaganapan na pag-iisip sa pangmatagalan.
Ang pagmamahal na taglay natin para sa ating mga anak, napakalakas man nito, ay maputla lamang na aninag ng pagmamahal ng Diyos para sa atin. Ang ating paglalakbay bilang mga magulang ay nagbibigay sa atin ng kakaibang pagpapahalaga sa mga katangian ng Diyos bilang isang ama. Sa ganitong paraan, mas nauunawaan natin ang malalim na pagmamahal sa atin na nagtutulak sa Kanyang pagdidisiplina.
Ang pagiging magulang ay isang natatanging pagkaunawa ng dakilang lalim ng pagmamahal ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com