Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 87 NG 280

KALAKASAN UPANG MAPAGTIISAN ANG MGA KONSIKUWENSIYA

Kakayanin ng mga anak ang mahihigpit na konsikuwensiya basta't sila ay panatag sa kanilang relasyon sa iyo. Mahalagang isaisip ito kapag kinakailangan ang pagdidisiplina, lalo na sa mga batang nasa murang gulang pa lamang. Ang pinakamalaking pangamba nila ay ang lumayo ka sa kanila bunga ng mga maling pagpili nila, kaya ang galit mo ay maaaring tunay ngang nakakatakot para sa kanila.

Ang maramdaman nilang napipinsala ang relasyon ninyo ay maaaring magsanhi sa bata na magtago, magsinungaling, manisi ng iba, at matakot sa iyo. Kaya nga ang mga konsikuwensiya ay kailangang igawad nang may pang-unawa at pagdamay sa damdamin ng bata. Kung ang galit ay kahinaan mo, maghintay hanggang sa ikaw ay kalmado na upang maigawad mo ang konsikuwensiya nang may pang-unawa at pagdamay. Kung tutuusin, ang galit ay panandalian lamang; ang iyong pagpapala ay pang-habambuhay.

Ang katiyakan na hindi mawawala ang paggiliw na laan sa atin ng Perpektong Magulang natin ay isang ganap na halimbawa para sa atin na mga magulang dito sa mundo. Dapat nating "awitin ang pagpupuri't si Yahweh ay papurihan" para sa pangakong ito at pasalamatan Siya araw-araw na hindi mawawala sa atin ang Kanyang pagmamahal dahil sa ating mga kasalanan.

Ipakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng paggawad ng konsikuwensiya nang may pang-unawa at pagdamay sa halip nang may galit.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com