Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KAPATAWARAN AT ANG MGA KONSIKUWENSIYA
Mahalagang maihiwalay natin ang kapatawaran sa mga konsikuwensiya. Sa kuwentong ito, si David ay umamin at nagsisi sa kanyang pangangalunya kasama si Batsheba at ang pagpapapatay sa kanyang asawang si Uriah. Pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan ni David, ngunit hindi Niya pinalaya ito sa malubhang konsikuwensiya nito — ang kamatayan ng kanyang anak na lalaki. Hindi mo ba alam na labis na ikinalungkot ng Diyos ang paggawad ng konsikuwensiyang ito sa isang taong nagdadalamhati at sising-sisi sa kasalanan niya, ngunit alam Niya na ang konsikuwensiya ang magbubuo ng leksiyon?
Kahit na pinapatawad natin ang ating anak sa kanyang hindi pagsunod, ang konsikuwensiya nito ay kinakailangan pa rin. Maaaring mahirap isakatuparan ang mga konsikuwensiyang ito, lalo na matapos tayong makatanggap ng taimtim na paghingi ng tawad, ngunit ito'y kinakailangan upang turuan sila na ang kanilang mga buhay ay tunay ngang naaapektuhan ng mga pagpipiling kanilang ginagawa.
Ang kapatawaran at ang kaalinsunod na konsikuwensiya ay isang tanda ng pagmamahal ng isang magulang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com