Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGLALAGAY NG HANGGANAN SA ATING KALAYAAN
Maraming taong naniniwala na ang isang "mabuting" Cristiano ay nabubuhay sa ilalim ng maraming alituntunin. Sa totoo lang, ang kabaligtaran nito ang totoo. Ang isang matibay na mananampalataya ay hindi nangangailangan ng napakaraming mga alituntunin. Ang kailangan lamang niya ay ilang mga panuntunan sa Biblia na siyang gagabay sa kanya upang mailapat sa anumang sitwasyon. Ang totoo, ang mas mahinang Cristiano ang nangangailangan ng mas maraming alituntunin sapagkat wala siyang karunungan at kinakailangang kaunawaan upang mailapat ang mga panuntunang maka-Diyos sa mahihirap na sitwasyon.
Ngunit, ang isang malakas na Cristiano ay maaaring magsuko ng ilan niyang mga kalayaan at sumunod sa mas mahihigpit na panuntunan upang ang isang mas mahinang Cristiano ay hindi magkaroon ng maling pakahulugan sa kanyang mga kilos. Sa pagiging magulang, maaari nating pag-isipan ang paglayo sa ilang mga gawain na maaaring maging katisuran sa mura pang pananaw ng ating mga anak . Ang taludtod na ito ay dapat makapagbago sa ating mga pamimili patungkol sa alkohol, sa mga pelikulang pinanonood at maging sa mga pagbibirong ating ginagawa. Bagama't kaya nating mapanatili ang maayos na balanse sa mga bagay na ito, hindi natin alam kung sa anong mga bagay marupok ang mga anak natin sa tukso. Kailangan nating isakripisyo ang ilan sa ating mga pribileheyo hanggang ang ating mga anak ay mayroon nang kahustuhan ng isip upang malaman kung kailan, saan at bakit kailangang iwasan ang ilang bagay.
Sa pagiging mabuting huwaran ay maaaring kailanganing isuko ang ilan sa ating mga kalayaan hanggang sa ang ating mga anak ay may sapat nang karunungan upang magpasiya ng tama.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com