Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 84 NG 280

PINAGPAKUMBABA NG ATING MGA KALAKASAN

Kahit noong Huling Hapunan, ang mga alagad ni Jesus ay nagmamaneobra para sa posisyon sa darating na Kaharian. Sa pagnansa nila para sa kapangyarihan at posisyon, bigo silang makita ang tunay na pinagmumulan ng kadakilaan.

Ang mga kalakasang bigay ng Diyos ay maaaring maging pinakamalubhang mga kahinaan natin kapag sa mga ito tayo aasa kaysa sa Panginoon. Maaari tayong linlangin ng ating mga puso at himuking maniwala sa sarili nating mga kakayahan (Jer 17:9). Halimbawa, ang kalakasan ni Abraham ay ang kanyang pananampalataya, ngunit nagsinungaling siya tungkol kay Sara sa Egipto (Gen 12:10-13:4). Ang kalakasan ni Moises ay ang kanyang kababang-loob (Bil 2:3), ngunit nag-init ang ulo niya sa ilang, umasal ng kamangmangan, at hindi pinayagang makapasok sa Lupang Pangako (Bil 20). Ipinagyabang ni Pedro na hindi niya kahit kailan iiwan ang Panginoon, ngunit nagawa niyang ikaila Siya nang tatlong ulit (Lucas 22:54-62).

Ang mga kabiguang ito ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na kalakasan ay nasa pagdepende sa Diyos. Patuloy mo bang hinahanap ang karunungan ng Diyos sa panalangin sa paggawa mo ng mga desisyon sa pagmamagulang? Kapag lubos na tiwala ka sa iyong pagmamagulang, siguruhing dumedepende ka sa Kanyang lakas, at hindi doon sa sarili mo.

Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod (1 Cor 10:12 MBB05).

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com