Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 83 NG 280

PAMUMUHAY BILANG DAYUHAN

Kapag bumibiyahe, ginagawa natin ang lahat upang maiwasang mabansagang "turista", ngunit madalas hindi nagtatagal bago may magtatanong kung tagasaan tayo. Ang ating pananalita, pananamit, at kilos ay mga palatandaan ng ating tinubuang-lupa.

Ipinapaalala ng siping ito na, bilang mga Kristyano, ang pagkamamamayan natin ay hindi sa mundong ito. Tinatawagan tayo ni Hesus na kumilos sa paraang sumasalamin sa ating makalangit na pagkamamamayan, ngunit minsan napakahusay nating makilahok sa umiiral na kalakaran ni hindi na tayo maituturing na turista.

Bilang mga Kristyano, ang mga asal at pagpapahalaga natin ay marapat na maging kapansin-pansing naiiba kaysa sa mundo. Dapat nasasalamin ang mga ito sa ating mga kilos at pananalita at nakikita sa ating pagmamagulang. Minsan, mararamdaman natin na tila tayo mga dayuhan. May magtataas ng kilay kapag humindi tayo sa mga masasagwang pelikula o mga mapamukaw na kasuotan. Ngunit maaari ring mayroong maintriga sa "kakaibang" mga asal at pagpapahalaga ng inyong pamilya.

Hindi ba marapat na ang pamumuhay ng iyong pamilya ay sumalamin sa makalangit ninyong pagkamamamayan?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com