Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MAGHINTAY
Dalawampu't apat na oras sa isang araw. Pitong araw sa isang linggo. Tayo ay muli at muling tinatawagang gumawa ng mga desisyon sa pagmamagulang ora mismo. Maaari tayong malula sa bigat ng pananagutang ito. Sa proseso, nasusubok ang pananampalataya at kapanatagan natin. Ang siping ito ay marahil pinaka-lapat sa mga panahong napakalaki ng nakasalalay. Kailangan ng lakas ng loob na makapagtiwala sa Panginoon kapag ang isip mo ay nagsusumigaw ng "Kumilos ka!" Ngunit hangga't hindi napapalakas ng Diyos ang iyong loob, maaaring maging padalos-dalos at hindi mabisa ang mga gagawin mo. Kaysa umasa sa iyong mga biglaang pagpapasiya, magtiwala sa kabutihan ng Diyos at hintayin ang Kanyang paggabay. Ibibigay Niya sa iyo ang lakas at karunungang kailangan mo (Heb 13:20-21).
Kapag nasa mabigat na sitwasyon, may tiyagang hintayin ang Panginoon na magpalakas ng iyong loob at gumabay sa iyong gagawin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com