Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 78 NG 280

DISIPLINANG MAY KASAMANG PAGDAMAY

Ang pang-unawang may pagdamay ay mas mahirap para sa iba sa atin. Nang matutong mas dumamay sa ating mga anak maaaring kailanganing maglaan ng panahong guntitain kung paano tayo noong nasa edad nila. Ang paglalalakad suot ang kanilang maliliit na sapatos ay makakatulong sa ating unawain kung bakit ginagawa nila ang ginagawa nila. Kung minsan nakakalimutan nating tayo'y naging mga bata rin.

Kapansin-pansin na sa mga bagay na nahirapan tayo noong nasa edad nila tayo pinakanababalisa sa ating pagmamagulang. Maaari tayong madismaya kapag ang mga tulad na problema ay kinakaharap din ng ating mga anak. Ang paggunitang ito ay may dalawang posibleng kalalabasan —may kabalisahan tayong mamamagitan upang lutasin ang problema, na karaniwang nagreresulta sa eksaheradong tugon na nagpapalala sa sitwasyon. O maaaring gunitain ang ating mga karanasan at gamitin ang mga ito sa pakikipag-ugnay sa ating mga anak. Maaaring ginagamit ng Diyos ang mga problema ng iyong anak upang kapwa kayong dalisayin.

Kapag ang problema ng iyong anak ay sanhi ng labis mong pagkabalisa, maging alisto — maaaring kapwa kayong tinuturuan ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com