Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA SAGOT SA PANALANGIN
Mangilan-ngilang karanasan lang ang susubok sa siping ito tulad ng pagmamagulang. Dahil mahal natin ang ating mga anak, ipinapalagay natin na alam natin kung ano ang pinakamabuti para sa kanila. Ipinapanalangin natin na galangin ng Diyos ang ating mga plano at nabibigla kapag paminsan ay pinapalakad tayo ng Diyos sa mas mahihirap na landas, na may pagsubok at sakit.
Nagbago ang aking pananaw nang mapagtanto ko na ang turing ko sa Diyos ay isang "makalangit na vending machine." Kapag nagdadasal ako, pakiramdam ko obligado Siyang sumunod sa akin sa paraang gusto ko. Tapos, binigyan ako ng isang kaibigan ng isang simpleng gabay na nakapagbago sa pananaw ko sa panalangin. Sabi niya, "Ang pananalangin ay ang hingin sa Diyos na ihanay ka sa Kanyang kalooban, at hindi ang humanay Siya sa iyong kalooban."
Alam ng Diyos kung ano ang tunay na kailangan ninyo ng mga anak mo. Kapag nananalangin tayo, gumagawa Siya tungo sa pagtugon ng maga panalangin na iyon, ngunit sa paraan na umaayon sa Kanya at sa Kanyang ginagawa. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa karunungan ng Kanyang tugon, kahit pa ang tugon Niya ay iba kaysa sa inaasahan natin.
Upang tunay na maipanalangin ang katuparan ng kalooban ng Diyos, kailangan nating magtiwala na ang Kanyang kalooban ang pinakamabuti para sa ating pamilya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com