Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGPAPATAWAD SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA
Ang tugon ng mga alagad sa katuruang ito ay kapansin-pansin. Marahil ay hindi na sila nahirapan sa pagsasaway; maraming tao ang magaling dito. Ngunit ang pagpapatawad ay ibang bagay — maaaring mahirapan tayong mapatawad ang mga taong nagbigay sa ating ng pasakit, lalo na kung iyon ay isang taong minahal at pinagtiwalaan natin. Dahil sa ating kaugnayan sa ating mga anak, tayo ay mas madaling masaktan.
Pansinin na ang kahilingan ng mga alagad ay ang pagkakaroon ng pananampalatayang makapagpatawad, at hindi ang magkaroon ng dagdag na pagmamahal. Bagama't ang pag-ibig ay lubhang mahalaga, ang tunay na pagpapatawad ay nangangailangan ng pananampalataya. Ito ay hindi likas sa atin. Nangangailangan ng buhay na pananampalataya upang sundin si Cristo at magpatawad sa ibang tao. Kapag tayo ay masunurin at nagpapatawad, pinagkakatiwalaan natin ang Diyos sa kung anumang kahihinatnan nito, at Siya ang aayos sa anumang di-pagkakaunawaan, at aayusin ang lahat para sa Kanyang kaluwalhatian (Rom. 8:28).
Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na magpatawad, ngunit ang pananampalataya ang pumupukaw sa kapatawaran upang ito'y magamit ng Diyos na makapagdala ng pagpapala sa buhay ng mga anak ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com