Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG HALIMBAWA NG PAGGASTOS
Nagbigay ng salapi ang mga taga-Macedonia kay Pablo upang ibigay naman sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Sa babasahing ito, kinikilala ni Pablo ang kahalagahan ng responsableng paggastos ng salaping iyon. Alam niyang may mga taong nakamasid at nais niyang makasigurong walang masasabi ang sinuman tungkol sa kanyang pangangasiwa nito.
Isipin kung paano ito mailalapat sa pagmamagulang. Nakikita ng iyong mga anak ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya kapag nakikita ka nilang nag-aaral ng Biblia o nananalangin. Ngunit, sila ay nagmamasid at natututo rin mula sa iyong pamamaraan ng paggastos ng pera. Maaring hindi mo napagtatanto kung gaano kabisang patotoo ang iyong paggastos at kung gaano nito naipapahahayag kung ano ang pinahahalagahan mo. "Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso." (Mat 6:21). Maglaan ng oras sa pananalangin at siyasatin kung ano ang ipinahahayag sa iyong mga anak ng pamumuhay at paggastos mo .
Ang pananampalataya mo ay malinaw na naipapakita sa paggamit mo ng yaman na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com