Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 80 NG 280

PASASALAMAT PARA SA MGA BIYAYA

Sa pagbabasa ng kasaysayang ito, maaaring mabuyo tayong hatulan ang "siyam na walang utang na loob". Ngunit, gaano kadalas ba nating binabale-wala ang mga biyaya sa atin at nakakalimutan nating pasalamatan ang Panginoon para sa mga ito? Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat dahil sa pag-ibig at kahang-hanga Niyang pagliligtas (Awit 107:15). Madalas, nasisiyahan tayo sa mga handog sa atin ngunit nakakalimutan nating pasalamatan ang Tagapag-bigay. Mabilis tayong manalangin kapag tayo'y may suliranin, ngunit mabagal tayong magbigay ng papuri kapag ang lahat ng mga pangyayari sa atin ay maganda.

Huwag kang pabago-bago sa pagbaling sa Diyos sa panahon ng mga pagsubok at sa panahon ng tagumpay. Ipakita mo sa iyong mga anak ang isang pusong mapagpasalamat at ang kaunawaan sa Pinagmumulan ng lahat ng mabuti at ganap na kaloob (Santiago 1:17).

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com