Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PANANABIK SA PAGBABALIK NI KRISTO
Dahil ang mga kasalang Judio ay ginaganap sa gabi, ang mga alipin ng lalaking ikinasal ay sabik na naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon. Nais nilang maging handa upang hindi paghintayin ang mga bagong-kasal sa pintuan. Gumamit si Jesus ng talinhaga upang ilarawan kung paano ang mga mananampalataya ay dapat ding masigasig na maghintay at maghanda para sa Kanyang pagbabalik.
Sa pagpapalaki natin sa ating mga anak, mas madali na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na narito ngayon kaysa sa mga bagay na makalangit. Ang mga usapin sa ngayon — paggamit ng palikuran, takdang aralin, pagiging mahusay na atleta, o pagpili ng kolehiyo ay maaaring magsanhi na malihis tayo sa tunay nating layunin natin dito sa lupa. Sa halip na maghanda para sa pagbabalik ng ating Panginoon, kadalasan ay pinipili nating paglingkuran ang ating mga sarili.
Kapag namumuhay tayo na ang mga mata ay nakatuon sa walang hanggan, hindi tayo madaling mahuhulog sa mga patibong ng mundo. Ipakita sa inyong mga anak ang halimbawa ng kalayaang nagmumula sa pagtanaw sa mga karanasan na may perspektibo na pang-walang hanggan.
Maging halimbawa ng isang taong naglilingkod sa Panginoon at naghihintay ng may pananabik sa Kanyang pagbabalik.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com