Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 74 NG 280

BAGABAG Nababagabag ka ba? Karamihan sa atin ay nakakaranas nito, ngunit malinaw na sinasabi sa atin ni Hesus na wala tayong dapat ipangamba. Sa katunayan, sinasabi Niya sa atin na ito ay aksaya sa oras! Hindi natin kailangang mabagabag dahil alam natin kung paano magtatapos ang ating kwento. Kapag ang ating pag-asa ay tiyak (tignan ang Heb 11:1. hindi tayo dapat mabahala sa mga dusa ng ngayon o bukas. "Worry does not empty tomorrow of its sorrow, "sabi ni Corrie ten Boom; ït empties today of its strength."Paano natin ipagsasanggalang ang ating mga sarili mula sa pagkabagabag? Ang sagot ay pananampalataya. Kapag ang mga puso natin ay nakatuon sa Diyos, nakikita natin ang buhay mula sa perspektibong pangmagpakailanman. Kaya nating unahin ang mga layunin ng Diyos. Ang dapat lagi nating itanong ay, "Nasaan ang aking puso?" Kapag ang puso ko ay nakatuon sa mga makamundong bagay, parati akong mababahala dahil ang mga yaman sa mundong ito ay alanganin. Kapag ang puso ko ay nakatuon sa Diyos, ako ay makapapagpapahinga sa Kanyang kapangyarihan at kalakasan.Ang malaking pananampalataya ay nakakapagpawala ng pagkabagabag.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com