Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGPAPAIMBABAW Gaano kadalas na gumagawa ka ng bagay na hindi mo dapat gawin dahil sa takot? Ang takot ay maaaring dala ng pangangailangan na matanggap ng iba, kailangan maging kontrolado lahat, inggit sa buhay ng iba, o dahil nababahalangnapag-iiwanan na ng mga kasamahan mo sa kanilang pagmamartsa patungo sa "tagumpay". Ang mga takot na ito ay bumubuo sa konsepto ng ""takot sa tao"?Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang pagkatakot sa tao ay isang patibong dahil pumapalit ito sa takot sa Diyos. Kapag tayo ay nababahala sa ating lugar sa mga tao, tayo ay nagsisikap para sa mga bagay na makakamit dito sa mundo kaysa sa mga bagay na makaDiyos. Hindi lingid sa kaalaman ng Diyos ang mga pagsisikap na ito. Nakikita Niya ang ating mga puso at alam Niya ang takot na nagbibigay-motibasyon sa atin. Maaari tayong mangatwiran na ang mga pagsisikap natin upang maging katanggap-tanggap sa iba, magkaroon ng kontrol, at mas maalwang pamumuhay ay upang magamit sa gawain ng Diyos, ngunit alam Niya ang totoong takot na nagtutulak sa atin. Ang lunas sa pagpapaimbabaw ay ang magkaroon ng takot sa Diyos lamang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com