Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PANGANGAILANGAN SA PANANALANGIN Ang mga tagasunod ni Hesus ay binigyan ng kapangyarihan na gumawa ng mga himala, ngunit kinikilala nila na ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan ay ang panalangin. Alam nila na sina Hesus at Juan Bautista ay mga taong parating nananalangin. Kahit sila na mismo ay kailangang manalangin upang magawa ang mga malalaking gawaing ipinagkaloob ng Ama sa kanila.Itinuro ni Hesus sa kanila ang Ama Namin. Ipinakita Niya sa kanila na ang tunay na panalangin ay hindi paghiling na manaig ang nais ng tao, kundi paglalagay ng iyong sarili sa kalooban ng Diyos upang ihatid ang kapangyarihan ng Kanyang Kaharian at ang kalakasan upang kayanin ang mga problema dito sa lupa. Ipinangako Niya na diringgin ng Diyos ang mga panalanging inialay sa ganoong kalooban at para sa layuning iyon. Sinabi ni Phillips Brooks na ang panalangin ay hindi pag-igpaw sa pagsalungat ng Diyos; ito ay pagkatok sa Kanyang pinakamataas na kagustuhan. Ang panalangin ay hindi para subukang baguhin ang isip ng Diyos, kundi upang ilagay ang ating mga sarili sa puntong maaari Niyang ipagkatiwala sa atin ang kasagutan. Ipanalangin na matupad ang kalooban ng Diyos sa iyong pamilya, at diringgin ng Diyos ang panalangin mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com