Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 71 NG 280

ANG PINAKADAKILANG REGALO Nagpadala si Kristo ng 70 disipulo sa Judea at gumawa sila ng malalaking himala ngalan Niya, kaya't marami ang sumampalataya sa Kanya. Bumalik silang nagpupuri sa ginawa ng Diyos. Isipin mo si Hesus na nasa pagtitipon kasama nila upang ipagdiwang ang kanilang mga nagawa. Ngunit, mayroon talagang banta para sa pagmamataas na espiritwal (spiritual pride).Habang nais ni Hesus na ipagdiwang ang lahat ng kanilang tagumpay, idinagdag Nya ang pagtingin na, kung gaano kalaki ang mga tagumpay nila, mas malaking dahilan para magdiwang ay ang kanilang kaligtasan. Ipinaalala Niya sa kanila na ang ginawa para sa kanila ay higit na dakila kaysa sa gawaing natapos nila.Napagtanto ko na hindi naman minamaliit ni Hesus ang kanilang mga tagumpay; Siya ay nakikipagdiwang sa kanila dahil sa isang pabuya na higit na dakila kaysa sa nararapat para sa kanilang lubusang pagsisikap. Ang pinakamalaking pabuya nila ay isang bagay na hindi nila kayang makamit sa sarili lang na pagsisikap.Madalas tayong kinakain ng etika sa trabaho batay sa ating kultura, at wala namang masama na pagbutihan ang ginagawa. Ngunit, kailangan nating ipaalala sa ating mga sarili at sa ating mga anak na ang pinakadakilang regalo ay libre.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com