Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 70 NG 280

PANGANGAILANGAN SA PAHINGA

Pinahayo ni Cristo ang mga alagad ng dala-dalawa para sa kanilang unang misyon ng pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at upang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling sa mga may karamdaman. Ang kanilang mga paglalakbay ay naging napakamatagumpay, at sila'y bumalik upang ilahad ang mga nangyari sa kanila. Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay tila batid ng kanilang naging tagumpay sapagkat dinagsa sila ng mga kahilingan para sa kanilang panahon, na sa dami ay wala na silang panahon para makakain man lang!

Isipin na lamang ang pakiramdam na ito — galak na galak dahil sa tagumpay, at may mga taong na maingay na humihingi ng kanilang pansin at nagmamakaawa para sa kahit kaunting panahon nila. Malamang na masarap sa pakiramdam na kailanganin ka nang ganito. Kinilala ni Jesus ang pangangailangan na magkaroon ng hangganan at kung hindi ay baka magupo agad sila. Kailangan nila ng panahon upang magpahinga.

Hindi ka naiiba sa kanila. Maaaring hingin ng iyong mga anak ang bawat minuto ng iyong panahon at masarap sa pakiramdam na maranasan mong ikaw ay kinakailangan nang lubos. Ngunit kailangan mong mabatid na may hangganan ang iyong lakas at hindi ka rin nila mapapakinabangan kung hindi ka makapagpapahinga paminsan-minsan.

Ang pagkakaroon ng panahon upang magpahinga at magkaroong muli ng panibagong sigla ay mahalaga para sa iyong mga anak at sa iyo rin.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com