Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 60 NG 280

ANG DISIPLINA AY HALIMBAWA

Para maging handa sa maka-diyos na pagmamagulang kailangan ng matalik, araw-araw na pakikiniig sa Diyos. Siya nga naman ang ama ng buong sangkatauhan. Bilyon-bilyon na ang naging anak Niya! Itinala Niya ang kanyang mga kaisipan at karanasan upang maging halimbawa sa ating paglalakbay bilang mga magulang. Basahin ang Biblia mula sa anggulo ng pagmamagulang, at mamamangha kayo sa yaman ng kaalamang narito.

Sa siping ito sinabi ni Pablo kay Timoteo na kailangan niya maging disiplinado sa buhay niya bago siya maging epektibo sa buhay ng iba. Sa isang kasunod na pagkakataon sinabi niya kung saan matatagpuan ang pinakasukdulang halimbawa, "Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain." (2 Tim 3:16-17 MBB05)Ang pag-aaral ng Biblia ay tutulong sa inyo na tularan ang Diyos at pinagniningning nito ang Kanyang karunungan sa inyo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com