Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 64 NG 280

ANG KAHALAGAHAN NG MGA PAGSUBOK

Ang salmistang ito ay nilibak at inusig dahil sa kanyang pananampalataya ng mga taong may mas nakatataas na kapangyarihan at kalagayan kaysa sa kanya, ngunit nanatili siyang malakas sa pamamagitan ng masipag na pag-aaral ng salita ng Diyos. Sa katunayan, sinasabi niya sa atin na ang mga pang-uusig o "dalamhati" ay kinakailangan upang hindi siya malihis. "Ito ay mabuti...ang magdalamhati upang matutunan ko ang iyong mga kautusan.

Kapag tayo'y matagumpay, gusto nating kunin ang karangalan para sa ating sarili. Ngunit kapag tayo'y humaharap sa mga pagsubok, bumabaling tayo sa Diyos para sa mga kasagutan. Paano ito maaaring mangyari? Bakit ako? Anong nagawa kong mali? Kung ang paghahanap ng mga kasagutan sa mga ito ay magdadala sa iyo upang pag-aralan ang Bibliya at manalangin, maaaring nasa iyo na ang bahagi ng kasagutan mo. Mas magaling magturo ang mga pagsubok kaysa sa mga katagumpayan. Marahil ito ang dahilan kung bakit hinihimok tayo ni Santiago na "Ariin ninyong buong kagalakan, mga kapatid ko, kapag kayo'y nahaharap sa iba't-ibang uri ng pagsubok," (Santiago 1:2).

Ang mga pagsubok ay makapag-uudyok sa atin na hanapin ang katotohanan at karunungan ng Diyos.

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com