Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

GALIT Ang galit ay hindi naman laging mali, ngunit kung ano ang ginagawa natin sa galit na yan ang nagtatakda kung kumikilos ba tayo ng matuwid o makasalanan. Dapat lang tayong magalit sa mga gawain na hindi maka-Diyos, sa mga kalikuan, kawalan ng hustisya at di pagkakapantay-pantay. Ang mga bagay na ito ay nakakapagpagalit din sa Diyos.Pero kung galit ka dahil may taong sumagi sa iyong pride, pagkahusto sa sarili, estado, kasikatan o kapangyarihan, ang reaksyon mo ay maaaring maging makasalanan. Ang makasalanang galit ay kadalasang naipapahayag sa pamamagitan ng marahas na pananalita, kalupitan, kapaitan at kawalan ng kontrol sa sarili. Kailangan nating suriin ang mga puso natin kapag nagagalit tayo dahil sa mga anak natin. Kung ito ay matuwid na galit, hayaan mong himukin ka nito na kumilos at magbigay ng matuwid na parusa. Kailangang harapin ang kasalanan, at pinapupurihan natin ang Diyos kung ibibigay natin ang parusa na may pagmamalasakit at pagmamahal. Kung ito ay makasalanang galit, manalangin kang bigyan ng lakas ng loob upang kilalanin ito, magsisi at itama ito. Suriin ang iyong galit upang matukoy ang mga motibo sa likod nito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com