Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 63 NG 280

ANG PAG-AARAL NG BIBLIYA PARA SA MGA KABATAAN

Si Timoteo ay pinalaki sa isang tahanang maka-Diyos ng kanyang ina at lola na siyang nagturo sa kanya ng Banal na Kasulatan. Siya'y napalibutan ng Salita "simula sa kanyang pagkabata" bilang paghahanda sa panahon kung kailan siya'y aakayin ni Pablo sa kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Ang maagang paglulubog sa kanya sa Salita ng Diyos ang naghanda sa kanya para sa mensahe ni Jesus.

Hindi kailanman masasabing napakaaga para matuto ang iyong mga anak ng tungkol sa Bibliya. May mga magagandang aklat ng mga kuwento na may mga larawan para sa mga batang-bata at may mga mas komplikadong bersyon naman para sa mas may edad nang mga bata. Sa kalaunan ay dadating sila sa panahon na magkakaroon na sila ng sarili nilang Bibliya. Sa katunayan, ang mga pinakamurang edad ang kadalasan ay pinakamabunga, sapagkat ang iyong mga anak ay natutuwang matuto mula sa inyo. Pagsikapan ninyong maipakilala nang may pagmamahal ang Banal na Kasulatan sa inyong mga anak sa kanilang murang edad pa lamang. Hindi habang panahong nasa inyo ang panahong ito, at mas mahirap na itong gawin kapag sila'y nagdadalaga't nagbibinata na.

Hindi kailanman napakaaga upang simulan ang pag-aaral ng Bibliya para sa inyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com