Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 59 NG 280

ANG PAGIGING PINAKAMAHALAGANG HALIMBAWA

Ang mga bata ay natututo ng ilang pinakamahalagang aral sa buhay sa panonood ng pinakamaiimpluwensiyang tao sa buhay nila— kanilang mga magulang. Natututo sila sa panonood ng inyong halimbawa sa mabubuti at masasamang panahon. At sa masasamang panahon, kung kayo ay umaasal nang may galit, pangungutya, pangmamata, karamutan, atbp, may karagdagang pagkakataon kayo na maimodelo ang pagpapakumbaba na resulta ng pag-amin ng kasalanan at pagsisisi, at ang habag at kagandahang-loob na nagmumula sa pagiging anak ng Diyos.

Habang lumalaki ang inyong mga anak, makikita nilang hindi kayo perpekto at ganap. Sana hanapin nila ang pinagmumulan ng kaganapan sa tanging mapaghahanapan nito, ang Diyos. Maaari ninyong ituro ang daan sa pamamagitan ng pagpapakita na ang tugon sa mga kakulangan ay ang dalhin ang mga ito sa Diyos nang may mapagpasalamat na puso, na palagay ang loob na buburahin ang lahat ng mga ito ng Kanyang habag at kagandahang-loob. Napakagandang pagkakataon na maipabatid sa inyong mga anak ang mensahe ng ebanghelyo sa isang praktikal, at totoong-buhay na paraan!

Maging halimbawa ng katiyagaan, habag at kagandahang-loob ng Diyos. Pinanonood kayo ng inyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com