Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 62 NG 280

ANG HABAG NG DIYOS

Ang lakbayin ng pagiging isang magulang ay puno ng mga pagkakamali. Hindi tayo magiging perpekto. Ngunit, maaari tayong mapanatag sa katotohanang tayo ay kilala ng Diyos, alam Niya ang mga pagkakamaling nagagawa natin, at sa kabila ng mga ito ay mahal pa rin Niya tayo. Hindi Siya naghahangad na maging perpekto tayo.

Ang hinahangad ng Diyos ay ihandog natin ang ating pagiging magulang bilang isang gawaing pagsamba. Kapag napanibago natin ang ating mga kaisipan sa pamamagitan ng pagninilay sa Kanyang katotohanan, at maging magulang ng ayon sa Kanyang plano para sa tagumpay, Siya ay nagagalak. Ito ay maihahalintulad sa — kapag binigyan ka ng anak mo ng isang proyektong ginawa nila, ito ay isinasabit mo sa dingding o sa refrigerator dahil kinakatawan nito ang kanilang pagmamahal para sayo. Hindi ang kahusayan sa paglikha ng sining ang pinahahalagahan mo, kundi ang pagsisikap na nagtulak para gawin nila ito. Hindi rin iba ito sa Diyos.

Baguhin mo ang iyong pag-iisip at gampanan ang pagiging magulang sa iyong mga anak bilang pagsamba upang magalak ang Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com