Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 61 NG 280

WALANG GARANTIYA

Ang pinakamaka-Diyos na mga magulang ay hindi kayang garantiyahan na magkakaroon ng mga maka-Diyos na anak. Bakit? Dahil ang mga anak ay mga nilalang na may kalayaang magpasya habang sila'y nabubuhay dito sa makasalanang mundo, tulad din ng kanilang mga magulang. Maaari nilang piliin na sumunod sa ating halimbawa at mga tagubiling ibinibigay natin, at maaari ring hindi. Ang lahat ay aayon na si propeta Samuel ay isang taong napakatapat na lumakad na kasama ang Diyos. Ngunit ang kanyang mga anak ay hindi naging mahusay kung kaya't ang mga tao ay humingi mula sa hari na palitan sila bilang mga hukom. Pinarangalan ng Diyos si Samuel sa katapatan nito sa maraming paraan, ngunit ang kanyang halimbawa ay hindi nasalamin sa mga pagpiling ginawa ng kanyang mga anak.

Ang pagiging magulang ay isang paglalakbay na hindi tiyak ang kahahantungan. Hindi tayo maaaring umasa ng mabuting bunga dahil lamang sa tayo'y tapat. Walang tuntunin na makapagbibigay sa atin ng katiyakan na ang ating mga anak ay susunod kay Jesus. Kailangang ilagay mo ang iyong pagtitiwala sa Diyos, isuko ang iyong mga anak sa Kanya, sundin ang kalooban ng Diyos sa buong kakayanan mo, at ipaubaya sa Kanya ang magiging bunga nito.Kailangang ipagkatiwala mo ang bunga ng iyong pagiging magulang sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com