Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 58 NG 280

ETERNAL NA PERSPEKTIBO

Hindi nagsasayang ng pagdurusa ang Diyos. Ang mga pagsubok ay para sa atin, hindi laban sa atin (Santiago 1:2-5). Kung magtitiwala tayo sa Diyos at susuko sa Kanya, ang mga pagsubok ay magbubunga ng tiyaga, pagkamatiisin at espiritwal na paglago sa buhay ng ating pamilya. Kung magrerebelde tayo at magrereklamo tungkol sa ating sitwasyon, mananatili tayong walang tiyaga, pabugso-bugso at isip-bata. Pinahihintulutan ng Diyos ang mga pagsubok para mabuo ang katatagan ng pagkatao sa ating buhay. Sa pagsasalarawan ni ni Warren Wiersbe, "Kaya ng Diyos magpasibol ng kabuti sa isang magdamag, ngunit ilang taong inaabot - at maraming bagyo - upang magpalaki ng malakas na puno ng oak.

Kailangan ng eternal na perspektibo upang mailampas ang paningin sa kasalukuyan at makita ang magpasawalang-hanggan. At marahil hindi ito kakayaning gawin ng inyong mga anak na wala ang inyong banayad na gabay. Habang may pag-unawang sinasamahan ninyo sila sa pagharap ng mga pagsubok, maaari ninyong imodelo ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na tutulong sa inyong tanawin ang mahihirap na sitwasyon bilang mga pagkakataon na lumago at sumulong, at maging mas kawangis ni Cristo.

Ang eternal na perspektibo ang nagbibigay sa atin ng kakayanang mailampas ang paningin sa mga pansamantalang pagsubok.

Banal na Kasulatan

Araw 57Araw 59

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com