Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

GYM NG DIYOS
Ilan sa atin ang nagbubuhos ng ilang oras sa gym para gumanda ang katawan para sa ano nga ba talaga? Maaari tayong maging masikap sa pag-eehersisyo at diyeta na kaiinggitan tayo ng ating mga kasamahan. At bagaman may pakinabang ang pagsasanay na ito, ito'y panandalian lamang. Tumigil ka ng isang buwan at tingnan mo ang mangyayari!
Paano kaya kung ganoon din tayo kasikap sa pang-araw-araw na panahon kasama ang Diyos? Maraming tao ang gumugugol ng isa o dalawang oras bawat araw para mag-ehersisyo, ngunit madalang maglaan ng 15 minuto bawat araw kasama ang Diyos. Ano kaya kung gumugol tayo ng mas maraming oras sa gym ng Diyos? Sinasabi ni Pablo sa atin ang sagot — ang pagsususumikap na maging maka-Diyos "ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito'y may pangako hindi lamang sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating." Iyan ang klase ng pagsasanay na sama-samang masisiyahan ang buong pamilya, at may kapakinabangan magpakailanman.
Dalhin ang iyong pamilya sa gym ng Diyos, at magsanay para sa walang hanggan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

Prayer

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan