Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MAPANGAHAS NA PANINIWALA
Si Abram ay nasa katanghaliang-gulang, mayaman at maayos ang pamumuhay. Isipin mo nalang ang kinailangang pananampalataya para lisanin niya ang kanyang tahanan, kanyang mga kamag-anak, at kanyang maginhawang pamumuhay at pumunta sa patutunguhan na ni hindi pa niya nalalaman! Sa panahon ni Abram, hindi ito ginagawa ng sinuman. Ang mga pugante, naghihikahos, o mga itinakwil lamang ang umaalis mula sa lupa ng kanilang mga ninuno.
Bagama't maaaring hindi hingin sa atin ang gayong kamaladulang relokasyon, hinihingi paminsan ng Diyos na lisanin natin ating kultura sa pamamagitan ng maka-Diyos, imbis na walang-kinalaman-sa-Diyos, na pananaw sa pagpapalaki ng ating mga anak. Maaaring magresulta ito sa mga mithiin at pagpapahalaga na ibang-iba doon sa ibang mga miyembro ng ating angkan o malalapit na kaibigan. Ang ating pagsunod ay maaaring magresulta sa pambabatikos o pagtatakwil ng mismong ating mga kapwa Cristiano.
Saan ka tinatawag ng Diyos para pagtiwalaan Siya at lisanin ang mga makamundong kaugalian sa pagmamagulang? Mayroon ka bang mga saloobin patungkol sa sports, pag-aaral o tagumpay na kailangan mong lisanin para puntahan ang ibang daan na ikaluluwalhati ng Diyos?
Hilingin mo sa Diyos na ipakita sa iyo kung saan mo kailangang maging mapangahas sa pagmamagulang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Masayahin ang ating Panginoon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos