Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGBIBIGAY NG KABUTIHAN
Kapag nahihirapan kang magmagulang ng iyong mga anak nang may kabutihan, makakatulong na sandaling suriin ang iyong mga ninanais para sa iyong mga anak. Ang mga kagustuhan ng laman ay sumusulpot kapag naniniwala tayo na ang halaga ng isang tao ay nasusukat sa kanyang ginagawa, pagmamay-ari at sa tingin sa kanya ng ibang tao. Kadalasan nasasalamin ito sa mga minimithi at inaasahan natin sa ating mga anak. Aminin man natin o hindi, mas hinahanap natin ang pagpapatunay na hatid ng makamundong tagumpay, at kung ang mga nagawa o anyo ng ating mga anak ay hindi sapat, maaari tayong mabahala, magalit o madismaya.
Ang kabutihan ay dumadaloy mula sa pagkakilala natin kung sino tayo kay Cristo. Sa Kanya, tayo ay minamahal nang walang kondisyon at tinatanggap kalakip ang lahat ng ating mga kakulangan. Ang maunawaan ang katotohanang ito ay nagbibigay sa atin ng kalayaan na maging kontento dahil ni mga anak natin o tayo man ay walang kailangang patunayan. Matatanggap natin ang ating mga anak bilang sila at magagawang isantabi ang pagpapahalaga ng mundo na base sa mga nagawa.
Higit nating maibibigay ang kabutihan sa ating mga anak kung ating panghahawakan ang ating tunay na pagkakilanlan kay Cristo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

Prayer

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan