Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 268 NG 280

PAHINTULUTANG MAGING SAPAT NA SI CRISTO

Paminsan masigasig man tayong manalangin para sa ating mga anak, kakaharapin pa rin natin ang pagrerebelde, pagsasawalang-galang, at kabiguan. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, may tinig na bumubulong sa atin ng, "Talaga bang sapat na si Cristo?"

Bilang tugon, maaari nating sikapin na kontrolin ang sitwasyon at "ayusin" ang problema. Ngunit sa deliryo ng ating paggawa, nalilimutan natin na ang pamumunga sa pananatili kay Cristo ay hindi nangangahulugan na wala nang mga pagsubok. Kabaligtaran nito, ang mismong mga pagsubok na sinisikap nating ilagan ang madalas na Kanyang proseso ng pagpapasibol ng bunga hindi lang sa ating mga anak, kundi sa ating mga buhay rin.

Kailangan ng lakas ng loob ng mga magulang mas lalo na sa mga oras ng kagipitan upang makapagtiwala na si Cristo ay sapat. Ngunit ang sitwasyon mo ay hindi nakakagulat sa Kanya. Ang pagtitiwala sa kasapatan ni Cristo ay hindi isang solong kaganapan, ngunit pang-araw-araw na paglalakbay. Hinihingi nitong imbitahan natin Siya na makibahagi sa ating kalungkutan at pagkataranta at aminin ang ating limitadong pananaw.

Humakbang sa pananampalataya sa mga oras ng kagipitan at magtiwalang kontrolado ni Cristo ang lahat.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com