Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 263 NG 280

PAGNANAKAW NG PAGKAKAKILANLAN

Kung pinagkatiwalaan mo si Cristo bilang iyong Tagapagligtas, may bago kang pagkakakilanlan. Para kang isang batang pinili upang maging anak. May bago kang pangalan, bagong pamilya at mga bagong tradisyon. Ang mga dati mong kaugalian ay napalitan na ng mga bago na nagbubukod sa iyo sa mga ibang pamilya. Inilalarawan ito ni Pablo bilang "kay Cristo".

Matinding hangarin ni Satanas na nakawin ang iyong pagkakakilanlan. Inaakit ka niyang manumbalik sa dati mong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pambubuyo gamit ang mga kaugalian at tradisyon ng kanyang pamilya -- galit, poot, sama ng loob, panlalait at malaswang pananalita (Col 3:8), ngunit malalabanan mo ang pagnanakaw niya ng iyong pagkakakilanlan sa pagsasagawa ng mga kaugalian ng iyong bagong pamilya --pagiging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis (Col 3:12).

Ang mga anak mo ay isinilang sa mga tradisyon ng iyong bagong pamilya, at dapat silang palakihin sa ganitong paraan. Ang pagsasabuhay mo ng mga bagong kaugalian ang magpapaalis ng mga luma sa iyong buhay. Ang bago mong pagkakakilanlan dahil napili kang mapabilang sa pamilya ng Diyos, ay isang makapangyarihang pangganyak para naisin nila na mapabilang din.

Ipagtanggol ang iyong sarili at ang iyong mga anak mula sa pagnanakaw ng espirituwal na pagkakakilanlan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com