Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 265 NG 280

MGA ESPIRITWAL NA OBITUARIO

Isang pastor ang nag-kuwento ng isang propesor na inuumpisahan ang bawat semestre sa pagpapasulat sa kanyang mga estudyante ng kanilang sariling obitwaryo. Pagkatapos, tatanungin niya sila kung babaguhin nila ang kanilang pamumuhay sa araw na iyon kung alam nila na malapit nang magwakas ang kanilang buhay at ang kanilang obitwaryo ay ilalathala.

Madalas hindi tayo nabubuhay tulad ng mga taong alam na malapit nang magwakas ang kanilang buhay. Iniisip natin na makakapaghintay ang ating obitwaryo-na maaari nating pabayaan ang ating mga tungkuling espirituwal dahil marami pa tayong oras. Hindi uso ngayon ang pag-usapan ang wakas at ang implikasyon nito para sa ating kapwa. Ang wakas ay isang hindi-mapagkakailang katotohanan, at marami ngayon ang hindi naniniwala sa tiyak at ganap na katotohanan.

Nagbigay paalala si Pedro tungkol sa ganitong gawi. Sinabi niya na magmahalan tayo nang tila malapit na ang wakas dahil totoong malapit na ito. Mahalin mo ang iyong mga anak at turuan silang magmahal sa iba dahil ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan. Masagana ang pagpapatawad kung alam natin na maiksi na lamang ang ating buhay.

Magmahal nang tila ang mundo ay magwawakas na bukas.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com