Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PINUNO O TAGASUPORTA?
Natatanging uri ng pinuno ang kayang gawin ang tama kahit matindi ang pamimilit ng madla. Si Aaron ay epektibong pampublikong tagapagsalita, ngunit noong hindi siya nagabayan ni Moises, siya ay sumuko sa kagustuhan ng madla na gumawa ng isang gintong diyos-diyosan na kanilang sasambahin.
Madalas ninanais natin para sa ating mga anak ang katanyagan na kalakip ng mga posisyon ng pamumuno. Ngunit bago natin itulak ang ating mga anak na habulin ang mga posisyon na ito, pakatandaan na ang epektibong pinuno ay kailangangang kayang magsabi ng totoo kahit hindi ito ang nais marinig ng madla. Kinakailangan dito ang natatanging kaloob na hindi ipinagkakaloob sa lahat (1 Cor 12:7-26).
Bagamat ang mga mabubuting pinuno ay mahalaga, gayon din ang mabubuti at mapagpakumbabang mga tagasuporta. Noong gumawa si Aaron ayon sa kanyang kaloob, hindi matawaran ang halaga niya kay Moises at sa Diyos, ngunit nang gumawa siya nang saliwa sa kapangyarihang itinalaga sa kanya, siya at ang mga tao ay lubhang napinsala.
Himukin ang inyong mga anak na tuklasin at gamitin ang mga kaloob na ibinigay sa kanilang Diyos, anuman ang mga ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

Prayer

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan