Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

TAIMTIM NA PANALANGIN
Habang abala tayo sa buhay, maaaring mapabayaan natin ang pinakaimportante, ang pananalangin para sa ating mga anak. Nararanasan mo ba ang hindi ka na makapanalangin dahil sa labis na pakaabala o pagod? Ang mga panalangin mo ay parang pare-pareho nalang? Binibigyan tayo ni Pablo ng halimbawa ng isang dakilang mandirigma sa panalangin sa katauhan ni Epafras. Ano ang ibig sabihin ng "buong taimtim" na pananalangin? Ang salitang Griego na ginamit dito ay agoonizomenos (ang salitang Ingles ay agonize) at inilalarawan nito ang pakikipaghamok ng isang atleta habang siya ay nakikipagpaligsahan. Hinihiling nito sa atin ang masiglang pananalangin na may pagtitiyaga, disiplina at kasigasigan.
Isipin mo nalang kung naglalaan tayo ng katumbas na oras at pagsisikap sa pananalangin para sa ating mga anak gaya ng inilalaan natin sa kanilang mga sports -- pagbili ng mga uniporme at gamit, pagpunta sa kanilang mga pagsasanay, at pagpalakpak sa kanilang mga laro!
Sundin ang halimbawa ni Epafras sa pananalangin ng taimtim para sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Masayahin ang ating Panginoon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos