Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 230 NG 280

IPAGDASAL ANG ATING MGA MAMUMUNO

Maayos na pagsasanay ang iniwan ni Moises kay Josue nang manungkulan ito bilang pinuno ng Israel, ngunit hindi ito garantiya ng kanyang tagumpay. Sa katotohanan nga, nabigo si Josue nang kumilos siya nang hindi muna sumangguni sa Diyos (tingnan ang Jos. 9). Upang palakasin ang loob, ipinanalangin siya ng mga pinuno ng bayan nang, "Samahan ka nawa ni Yahweh, tulad ng ginawa niya kay Moises."


Wala na tayong mas mabuting magagawa para sa ating mga pinuno kaysa ipanalangin sila. Kasali rito ang ating mga pinuno sa bawat antas ng lipunan, pati ating mga pamilya. Walang mananampalataya ang magtatagumpay sa gawain ng Diyos nang walang panalangin. Ito ay isa sa mga dakilang misteryo ng buhay Cristiano. Tinanong ni Corrie Ten Boom, "Ang panalangin ba ay iyong manibela o pamalit na gulong?" Pangunahan ang inyong mga anak sa pananalangin para sa kanilang mga pinuno, kabilang ka.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com