Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA BATO NG PANANAMPALATAYA
Nang sa wakas ay pangunahan ni Josue ang mga Israelita na tumawid sa Ilog Jordan patungo sa Lupang Pangako, pinatigil ang pag-agos ng tubig upang ang mga tao ay makatawid sa tuyong lupa. Ang mga paring nagdala ng Kaban ng Tipan ay tumayo sa gitna ng ilog habang ang mga tao ay tumatawid. Noong panahong iyon, dalawang grupo ng mga bato ang inipon mula sa ilog bilang paalala ng pagliligtas ng Panginoon. Inilagay nila ang unang grupo ng mga bato sa gitna ng Ilog Jordan bago dinala ang Kaban ng Tipan sa kabilang pampang at ang tubig ay muling umagos.
Ang ikalawang grupo ng mga bato ay inilagay sa Gilgal, ang unang kampo ng mga Israelita sa Lupang Pangako. Ang unang grupo ay sumagisag sa lumang buhay na nakalibing na at ang ikalawang grupo ay sumagisag sa bagong buhay na kanilang sinisimulan.
Kapag itinatanong ng mga bata ang tungkol sa mga bato sa Gilgal, maisasalaysay sa kanila ng kanilang mga magulang ang tungkol sa tagumpay ng Diyos, at maisasalaysay rin nila ang kaparehong grupo ng mga bato sa gitna ng Ilog Jordan. Ang mga batong ito ay hindi nakikita; kailangang paniwalaan nilang naroon ang mga ito.
Anong mga kuwento ng pananampalataya ang maaari mong ipasa sa iyong mga anak?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Sa Paghihirap…

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Prayer

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Masayahin ang ating Panginoon

Nilikha Tayo in His Image