Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 233 NG 280

ANG KASALANAN ANG INAASINTA

Kay gagaling sa pag-arte ng ating mga anak kapag inaakala nila na sa pagpapakita ng pagsisisi ay maiiwasan nila ang maparusahan. Kapag hinahagod nila ating mga damdamin, nakakatuksong patawarin na lamang sila dahil ang pagpapatupad ng disiplina ay kadalasang nakakaabala at nakakapagod!

Siyempre, ganito rin tayo kapag nananalangin sa Diyos na maligtas sa mga bunga ng ating mga maling pagpipili. Ngunit karaniwan ay hinahayaan ng Diyos na pagdusahan natin ang ating mga kasalanan bilang bahagi ng may-pagmamahal Niyang balak na baguhin tayo sa wangis ni Cristo. Mas malalim na pagmamahal ang inilalaan upang ibigay sa atin ang ating kailangan kaysa sa ating kagustuhan.

Tinutularan natin ang Perpektong Magulang kapag may sapat tayong lakas na makita ang mga pangmatagalang benepisyo ng pagdidisiplina kahit hindi nakikita ng ating mga anak ang mga ito. Hindi ito laging madali, ngunit kapag tinutuloy natin ang pagdidisiplina nang may kahinahunan at may pagmamahal, inihahanda natin ang ating mga anak na makita ang pagmamahal sa likod ng pagdidisiplina ng kanilang Ama sa Langit.

Ang matalinong pagdidisiplina ay sumasalamin ng isang tunay na mapagmahal na magulang.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com