Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 232 NG 280

MGA SUNDALO PARA SA PANGINOON

May matinding espirituwal na digmaang nangyayari sa mundo ng mahiwaga. Nagbanta ang Diyos na didigmain si Satanas at kanyang mga kampon, at pinili Niya ang mga taong tulad natin bilang Kanyang mga sundalo. Kaiba man itong isipin, tamang-tama ito sa plano ng Diyos sapagkat kadalasan ay ginagamit ng Diyos ang mahihina upang hiyain ang malalakas at ipahayag ang Kanyang kahanga-hangang kapangyarihan.

Ginamit Niya ang pagsigaw at mga trumpeta ni Josue, mga sulo at banga ni Gideon, at tirador ni David upang ihayag ang Kanyang kaluwalhatian. Sa katunayan, nagwagi na Siya sa digmaan laban kay Satanas sa pagkamatay ni Cristo sa isang Romanong krus. Tapos na at nagwagi na ang Diyos!

Kapag may nararamdaman kang espirituwal na digmaan sa buhay mo, tandaan na ikaw ay isang sundalo sa pinakadakilang hukbong ibinuo. Malakas ka higit pa sa iniisip mo kapag umasa ka sa kapangyarihan ng Heneral ng inyong hukbo. Nagagalak Siya sa pagkatalo ng mga kaaway Niya at mga kaaway mo gamit ang pinakapayak at pinakamahina sa atin.

Walang sinumang kaaway, gaano man siya kakila-kilabot, ang makakatalo sa kahit isang sundalo ng Diyos na umaasa sa Kanyang kapangyarihan!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com