Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 235 NG 280

ANG KAPANGYARIHAN NG KAPAKUMBABAAN (BAHAGI II)

Dito ay makikita natin kung paanong tinutupad ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng pamumunga ng gawaing mapagpakumbaba ng mga kasunod na gawaing mapagpakumbaba. Una, nagpakumbaba sina Pablo at Silas sa pagtangging tumakas noong mabuksan ang mga pintuan ng bilangguan dahil sa lindol. Pagkatapos, ang bantay sa bilangguan ay nagpakumbaba nang dalhin niya ang mismong mga bilanggong binabantayan sa kanyang tahanan kung saan hinugasan niya ang mga sugat ng mga ito at ipinaghanda ng pagkain! Tiyak na napakamakapangyarihan ng patotoong ito sapagkat ang buong sambahayan ng bantay ng bilangguan ay nanalig sa Diyos at binautismuhan.

Saan mo kailangang magpakumbaba sa araw na ito? Kailangan mo bang humingi ng tawad sa iyong mga anak dahil sa pagiging mapanuya o marahas? Isinasantabi mo ba ang kanilang mga damdamin upang ipagtanggol ang iyong punto?

Hayaan na ang iyong halimbawa ang magpasimula ng pamumunga ng mga gawaing mapagpakumbaba sa iyong tahanan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com