Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 229 NG 280

PAGTITIIS

Pinangakuan ng Diyos si Abram ng pagpapala, ngunit pinangakuan din Niya ito ng paghihirap at pagkaantala. Tila alam Niyang madadagdagan ang pananampalataya ng mga Israelita sa pamamagitan ng kapangyarihang makapagpabanal ng kanilang pagkaalipin sa Egipto. Alam ng Diyos na kakayaning manatiling malakas ng bayan Niya sa gitna ng paghihirap, at ang kanilang pananampaltaya ay lalakas dahil dito, imbis na sa halip nito.

Kapag inililigtas natin ang ating mga anak sa mga konsikuwensiya, at pinupuno ang buhay nila ng mga materyal na pagpapala, pinagkakaitan natin sila ng ilan sa mga pinakamahalagang aral sa buhay. Tandaan na ang pagpapala ng Diyos ay hindi lang matatagpuan sa "maraming kayamanan," kung hindi pati sa paghihirap at pagkaantala. Kapag naunawaan na natin ang konseptong ito, mas malamang na ang paraan ng pagiging magulang natin sa ating mga anak ay makakabuti sa kanila nang magpasawalang-hanggan.

Samahan ang inyong mga anak kapag dinadanas nila ang mga pagpapala ng mga pagsubok.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com