Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 234 NG 280

ANG KAPANGYARIHAN NG KAPAKUMBABAAN (BAHAGI I)

Noong bumukas ang mga pinto ng bilangguan dahil sa lindol, nagpakumbaba sina Pablo at Silas sa pamamagitan ng pagtangging tumakbo at makalaya na. Bilang tugon, ang bantay sa bilangguan ay nanginginig na nagpatirapa sa kanilang harapan at nagtanong ng, "Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako'y maligtas?"

Huwag na huwag mamaliitin ang kapangyarihan ng isang mapagpakumbabang pusong makahikayat ng iba para sa Panginoon lalo na ang iyong mga anak! Madalas pakiramdam natin na kailangan nating patunayan na tayo ay tama o nauunawaan ang lahat upang makuha ang kanilang paggalang. Tinuturing natin ang pagpapakita ng kahinaan na kahinaan. Ngunit kung tayo ay nananalig sa kung sino tayo kay Cristo, mas madaling magpakita ng kapakumbabaan.

Ang pagmomodelo ng kapakumbabaan ay mas makakahikayat sa iyong mga anak kaysa sa pagkukunwaring kaya mong harapin ang lahat at na ikaw ay perpekto.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com