Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PAGLILINGKOD SA NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS
Ang bersikulong ito ay tumutukoy sa paglalakbay ng mga Israelita mula sa kanilang pagkabihag sa Egipto patungo sa Lupang Pangako. Ang Diyos lamang ang nag-akay sa mga Israelita sa ilang. Hinarap nila ang mga paghihirap at pagsubok, marami sarili nilang kagagawan, ngunit sa lahat ng mga ito, napakalinaw na ang Diyos lamang ang makapag-iingat at makapagpapasagana sa kanila.
Kapag pinapatnubayan natin ang ating mga anak, kailangan nating sundin ang halimbawa ng Diyos at ipaalam sa kanila na walang diyos na banyaga ang maaaring mamagitan sa kanila at sa nag-iisang tunay na Diyos. Laging isaisip na ang mga "diyos na banyaga" ay may iba't-ibang anyo sa mundo natin ngayon, tulad ng salapi, kapangyarihan, kagandahan at kasikatan. Kailangang masigasig tayo sa pagbabantay sa mga impluwensya ng mga diyos-diyosang ito sa buhay natin at sa buhay ng ating mga anak.
Hayaan mong malaman ng inyong mga anak na tanging ang Panginoon lamang ang may kakayahang pumatnubay sa inyong pamilya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo