Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MARUNONG AT MAPAGMAHAL NA MAGULANG
Ginagamit ng Diyos ang talinhaga ng isang agila upang ilarawan ang sarili Niya bilang isang marunong at mapagmahal na magulang. Kawili-wiling isipin na isa sa mga bagay na ginagawa ng agila upang himukin ang kanyang mga inakay tungo sa pagsasarili ay "guluhin ang pugad" nang mapilitan silang matutong lumipad. Tulad nito, dumarating din ang panahon na kailangan na matuto ng mga anak "lumipad mag-isa." Dahil alam niya ito, maaaring guluhin ng isang mapagmahal na magulang ang pugad sa pamamagitan nang paghimok sa anak na lutasin ang mga problemang naaangkop sa kanyang edad at maranasan ang mga konsikuwensiya ng kanyang mga desisyon.
Kapag nahaharap ang isang bata sa napakabigat na problema, maaaring kailanganin din ng magulang na siya ay saluhin at kargahin panandali. At bagamat maaaring nakakatuksong suportahan sila nang walang takdang haba ng panahon, ang layunin ay mag-alok ng sapat lang na tulong na maibalik sila sa paglipad. Labis na mas dakilang kaloob ang tulungan ang mga anak natin na unatin ang kanilang mga pakpak kaysa na tayo ang lumipad para sa kanila.
Guluhin ang pugad sa pagpayag na ang iyong mga anak ang humarap at lumutas mag-isa ng mga problema.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo