Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAKIKIPAGLABAN SA ESPIRITU
Nang nilabanan ni Saul si David, napilitan si David na tumakas upang iligtas ang buhay niya. Sa isang pagkakataon, siya at ang kanyang mga tauhan ay nagtago sa isang kuweba sa disyerto ng En Gedi. Habang hinahanap ni Saul si David sa lugar na iyon, hindi niya sinasadyang makapasok sa mismong kuweba kung saan nagtatago sina David at ang kanyang mga tauhan. Bagaman at napakadali para kay David na tambangan at patayin si Saul, tinanggihan niya ito sapagkat batid niyang si Saul ay pinahirang hari ng Dios. Ipinaubaya niya sa Dios ang paghahatol.
Kapag may nagkasala sa atin o sa ating mga anak, madalas ay natutukso tayong maghiganti. Maaaring itsismis natin sila, o hindi sila kausapin, o hindi sila pansinin. Ngunit maaari tayong pumili, na mabuhay sa espiritu o sa ating laman. Tumanggi si David na makipaglaban ayon sa laman, at ipinaubaya niya ang kahatulan ni Saul sa Espiritu ng Dios.
Mabuhay ayon sa Espiritu at hayaang ang Dios ang siyang humatol.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo