Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

INUTUSANG MAGMAHAL
Madalas nating iniisip na ang pagmamahal ay isang hindi sinasadyang pagkilos. Naririnig natin ang mga sinasabi nilang "Nahulog ang loob ko sa kanya" o kaya naman ay "Nawala na ang pagmamahal ko sa kanya" na para bang walang ibang paraan upang tayo ay tumugon dito. Sa palagay ko ay hindi ganito ang pagtingin ng Dios tungkol dito, sapagkat sa bersikulong ito, inuutusan Niya tayong magmahal.
Nakikita ito ng Dios bilang isang pagkilos na ayon sa kalooban. Sinasabi Niya sa ating dapat tayong magmahal sa ibang tao, pati na ang ating mga kaaway, anuman ang ating damdamin. Paano ito maaaring mangyari? Sa pamamagitan ng pakikitungo sa ibang tao tulad ng pakikitungo sa atin ng Dios ng may kabutihan at pagpapatawad. (Tingnan sa Mga Efeso 4:32). Ang pagmamahal ng Dios ay hindi lamang isang pakiramdam o damdamin, ito ay buhay. Ang pag-ibig ng Diyos ay kumilos noong ibinigay Niya ang Kanyang Anak para sa atin (Juan 3:16). Kailangan nating tularan ang Kanyang pagmamahal sa ating buhay.
Tinuturuan tayo sa 1 Mga Taga-Corinto 13:4-7 kung paano ito ginagawa, "Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man. hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o magagalitin sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas." (RTPV05).
Ipakita ang pagmamahal ng Dios sa buong mundo sa pamamagitan ng pamamagitan ng pakikitungo sa mga tao tulad ng pakikitungo Niya sa iyo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan