Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGPAPASALAMAT
Madaling angkinin ang papuri para sa mga mabubuting bagay na ating nakakamit. Ngunit, hindi natin dapat kalimutan (o hayaang makalimutan ng ating mga anak) na lahat ng ating mga materyal na pag-aari ay mga pagpapala, na sa biyaya ng Diyos, ay pinahintulutan Niyang makamit natin. At ang pinakamahusay na bagay na naipon natin dito sa mundo ay hindi maihahambing sa mga kayamanang mamanahin natin bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos!
Sa kabila ng sinasabi sa atin ng ating kultura, hindi natin pinaghirapan ang mga pagpapalang materyal na nasa atin. May ibang mga taong nasa mahihirap na lugar ng mundo na higit na karapat-dapat, ngunit hindi sila ang pinili ng Diyos na pagpalain ng lubos. May ibang tao namang nagpakahirap upang tumanggap ng kakaunti, ngunit may pagpapakumbaba nilang tinanggap ang pagpapalang ibinigay sa kanila ng Diyos dahil higit pa ito sa nararapat nilang tanggapin.
Magpakumbaba kayo at pasalamatan ang Diyos para sa mga pagpapala na ibinibigay Niya sa inyo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com