Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGIGING HUWARAN SA KABANALAN
Ipinapakita ng mga pag-aaral na mas natututo ang mga bata sa ating mga pagkilos kaysa sa ating mga salita. Hindi nakakagulat na isa itong ideyang mula sa Biblia. Ang sabi ni Santiago, "Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili." (Santiago 1:22 RTPV05).
Halos 2,000 taon na ang nakakalipas, binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagiging huwaran sa kabanalan sa kanyang batang disipulo na si Titus. Batid ni Pablo na binibigyan natin ang ating mga kaaway ng pagkakataong siraan ang ating patotoo kapag namumuhay tayo nang walang kabanalan.
Ang alituntuning ito ay magagamit din natin sa ating mga anak. Halimbawa, kung nais ng isang amang igalang ng kanyang mga anak ang kanilang ina, kailangang siya mismo ay magpakita ng paggalang dito. Kung binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagsunod sa nakatakdang bilis sa pagpapatakbo ng sasakyan, kailangang maging huwaran tayo sa pagsunod sa pamamagitan ng ating pagmamaneho. Nagpapakita ang ating mga pagkilos kung anong pinaniniwalaan natin at ang ating mga anak ay tumitingin sa ating halimbawa kapag tinitimbang nila ang katotohanan ng ating mga salita.
Maging huwaran ng kabanalan para sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan