Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 211 NG 280

PAG-IISIP SA POSITIBONG PAMAMARAAN

Minahal at pinagkatiwalaan ng mga Israelita ang Diyos noong inilabas Niya ang mga ito mula sa kanilang pagkakabihag sa Ehipto. Nasaksihan nila ang mga dakilang himala! Ngunit hindi nagtagal, nagsimula silang magmaktol at magreklamo dahil sa kakailanganin nilang tumawid ng disyerto patungo sa Lupang Pangako. Sa gitna ng mga pinakamahirap na pangyayari, pinagdudahan nila Siya sa halip na ipako ang kanilang mga mata sa Kanyang katapatan noong mga nakalipas na panahon. Sa huli, ang kakulangan ng pagtitiwalang ito ang naging sanhi ng pagkawala ng karapatan ng kanilang salinlahi na makita ang Lupang Pangako.

Talaga bang pinagkakatiwalaan mo ang Diyos? Marami sa atin ay madaling nakapagtitiwala kapag ang lahat ay maayos, ngunit kapag dumating na ang mahirap na kalagayan, ang ating pananampalataya sa Kanya ay nasusubukan. Sa mga panahong ito, mahalagang alalahanin ang mga panahong inalalayan ka ng Diyos sa gitna ng kahirapan. Ang paggunita mo sa mga kasaysayan ng pananampalatayang iyon ay makakatulong sa iyo at sa iyong pamilya upang mapanatili ang isang positibo at umaasang pagtingin sa Diyos.

Ang mga negatibong pagtingin ay humahantong sa "ilang."

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com