Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 203 NG 280

MATUTO SA KARANASAN

Sa disyerto, nagreklamo ang mga Israelita tungkol sa manna na ibinigay ng Diyos. Gusto nila ng karne at gusto nila noon din! Dahil sila ay mainipin at walang utang na loob, binigay ng Diyos ang hinihingi nila hanggang sila ay magsawa na rito.

Dahil sa kuwentong ito naalala ko noong ako ay mag-16 taong gulang. Gusto ko ng kotse noon din! Pinayagan ako ng mga magulang kong bumili ng kotse na bagay sa kagustuhan ko: maporma at mura. Hindi ko inusisa ang kalidad ng makina nito, at dahil dito, walang katapusan ang problema ko sa makina nito.

Paminsan ang pinakamahusay na pagdidisiplina ng Diyos ay ang pagbigay sa atin ng hinihingi natin. Sa maraming pagkakataon, ang abilidad natin na mabatid ang pinakamainam ay may sala. Ang mga bagay na pinagtitiwalaan natin na makapagpapaligaya sa atin ay madalas nagiging masakit na pagkakamaling pipilit sa atin na sumulong at mahinog. Bilang mga magulang, mahirap ang payagang magkamali ang ating mga anak, ngunit ang mga aral mula sa karanasan ang madalas na pinakaepektibo.

Ang payagan ang iyong mga anak na magkamali at pagdusahan ito ay maaaring maging isang uri ng pagdidisiplina na may pagmamahal.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com